top of page

‘Sang Laksang Pasasalamat Mula sa Vast!

 

Umaapaw sa suporta ang natanggap ng  Vast Agro mula sa mga kanegosyong tindahan  na patuloy na nagdadala ng mga produktong Vast sa mga kasaka natin   upang matugunan ang pangangailangan na  maparami ang kanilang ani at kita. At dahil dito, minarapat na mabigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang tiwalang ito na ipinagkaloob sa Vast Agro, kaya inilunsad ang “Sang Laksang Pasasalamat Mula sa Vast “ kung saan namahagi ng malilit na regalo   sa  mga naging kasangga at katuwang ni Vast sa negosyo at pagsasaka.

Asahan na munti man ang regalong handog, taos puso ang pagpapahalaga at pasasalamat ng  Vast Agro sa lahat ng naging bahagi ng ating tagumpay sa taong 2022. At sa pagsisimula ng taong 2023, asahan na di magmamaliw at patuloy na maghahatid ng de kalidad na produktong pang agrikultura ang VAST sa lahat ng tindahan na naging kaagpay nito sa maraming taon. 

sang laksa
0-02-06-59fbaa8259ac179a2b7e84b2cc3d13ab
0-02-06-2e364b91325475b4fb9a1f49a9e08973998cca623065dba639f4c2262cc1404a_1c6dad1a704fd0.jp
0-02-06-69a2cf6a46a64d382d9914ad3ba71772
0-02-06-acb650b32686e86e75f3d2023042993b
bottom of page